I’m happy and contented with my relationship, but my friend keeps on telling me that I deserve more.
I don’t know if what i’m feeling is valid, pero parang ayoko na sya kausapin tungkol sa love life. So I had a small talk with this person lang then na-bring up nya kung gaano ka-effort daw magmahal ang mga afam. She has dated several of them and she definitely puts them on a pedestal. Casually dating sya ngayon.
Then she told me na i should not settle for less as if she’s feeling sorry for me kasi nakikita nya relationship ko sa social media. I mean, anong problema? Sure, there are times na i wanted more pero natututo nadin naman akong maging kuntento kasi eto na yung pinaka peaceful relationship na nagkaroon ako kahit binibigay lang naman sakin ng tao kung anong meron lang sya. And i can fend for myself din naman and i’m okay with it.
Sure, i deserve more, so ano, makikipag hiwalay ako just because hindi pasado sa standards nya yung boyfriend ko? Sobrang red flag ba ng jowa ko kasi hindi sya yung ibibigay nya sakin yung buwan levels at hindi mayaman?
My bf is not all of those pero he’s kind, gentle and doesn’t forget to make you feel special on special occasions sa abot ng kanyang makakaya and i appreciate that. He’s never a toxic person and supports me with everything. He never bad mouthed me in our entire relationship and i’m just happy na he’s there for me all the time without doing much. Most of all, may trabaho na marangal and pays enough. Responsable. Simpleng tao lang.
Pero sabi ng friend ko deserve ko daw ng princess treatment. I know she’s just concerned for my well being pero i dont feel like talking to her anymore kasi pakiramdam ko parang ang pangit pangit ng desisyong ginawa ko sa buhay ko. Sumama tuloy umaga ko kasi parang mali ang choices ko sa buhay kasi puro bare minimum lang naman daw binibigay ng jowa ko. Wala siyang pinagkaiba sa tita mong mapagmataas dahil nakapangasawa lang ng afam tapos kunwari concerned concerned sayo.
I messaged my boyfriend recently out of nowhere na sinabi ko na hindi ko sya ipagpapalit. Out of frustration sa mga narinig ko sa taong yon. Lol.