Kelan kaya ako magiging favorite ni Lord?
Pinaka masakit na pasko ng buhay ko. Habang masaya ang lahat dahil magpapasko. Ako ito mawawalan ng trabaho. Simula bata pa puro kamalasan na. Unfair naman ni Lord. Nakatutok sa mga favorites nya. Puro sila blessed. Kaya baka di sya totoo? Kasi alam daw nya yung laman ng puso mo kahit di mo hilingin pero bakit simula pagkabata wala naman syang tinupad sa mga simpleng bagay na hinihiling ng puso ko? Dahil daw meron syang perfect timing. Kelan ang perfect timing? Kapag suko kana. Unos kana. Abo kana. Hay. Di naman talaga yata totoo ang Diyos. Kung totoo sya. Meron lang syang paborito.