Nasumbat pa ngang sinama mo siya sa Japan
Decided to bring my mom to Japan kasi ilang beses na siya nagsasabi sa mga pinsan ko na dalin naman siya sa Japan. Husband and I have been to Japan several times kaya parang naisip ko bakit di siya isama. During our stay there wala ginawa nanay ko kundi magreklamo: walang makain, ang daming tao, puro puno lang sa Arashiyama, pare pareho lang ichura ng Tori gates.
Paguwi na paguwi nagalit siya kasi nasira daw sim nya kasi pinalitan pa ng Japan Sim. Take note - libre lahat ito namin mag asawa. And ang sabi niya -bakit nyo pa kasi ako sinama sama sa Japan. As if di siya nagmamadali magfile ng visa application. As if di siya nataranta bumili mg winter clothes.
Trying my best to not let this destroy my new year kaso ang hirap.