Boss na magulo

So recently ay kinausap ako ng HR and said na by this month ay magoonboard na ako for another role na inapplyan ko sa same company. Before that ay 3 beses na ako kinausap ng boss ko na okay na raw ako kakausapin na lang daw niya ako regarding that position.

Lo and behold apparently, yung position na pinasahan ko after MANY INTERVIEWS since April ay i-ooffer na sa ibang mas experienced kesa sakin. Sabi yan ng isa sa mga close kong boss sa management dahil iniinsist nitong boss na magulo na di na ako kunin. Pero iniinsist ng HR na kunin na ko kasi ilang beses na ako kinausap.

Mga beh anong pwede kong gawin dito? Gusto ko sanang sakalin yung boss ko na yun na magulo. Eme lang I need advice and comfort kasi asang-asa talaga ako and sa super proud ng close kong boss sa management, inannounce na niya sa department niya na accepted na ako sa role... Upon talking to him siya din ay disappointed...