Grabe ang kahirapan sa Pilipinas

First time ko pumila sa government para makakuha ng medical assistance para sa pagpapaopera ng nanay ko.

Kaya ko naman yung gastos, pero para sa government assistance pumila ako para makadiscount lang. Kasi isip-isip ko kurakot naman ang gobyerno natin. Yung mga nasa gitna na mga tao sila yung nagbabayad ng tax pero sila yung walang nakukuha o pinagkakaitan sa mga danyos na galing sa gobyerno, kasi ang sinasabin nila may kaya ka naman o di ka naman mahirap ehh.

Going back sa kwento ko. Grabe yung mga pumila sa Manila City hall, linggo ng hapon andoon na raw sila para makakuha ng pera sa mayor kinabukasan.

50 na katao lang ang mabibigyan. May nakapagsabi na 10k raw ang makukuha kapag pumila doon, depende pa sa sakit.

Pang number 65 ako, nagbakasakali lang ako na makapasok. Pero di talaga ako pinalad din.

Di naman masama loob ko dahil di ako nabigyan, pero nakakaawa yung mga tao na willing pumila ng linggo ng hapon para makakuha ng 1k kinabukasan.

Ganun na ba kagrabe yung kahirapan ng Pilipinas?

Nakakaawa yung mga tao na nagmamakaawa, pumila ng ilang oras para sa 1k lang.

Nakakalungkot na ganito ang sitwasyon ng bansa natin.

Samahan na natin ng mga taga gobyerno na ang taas taas ng tingin sa sarili at grabe manlugmok ng mga taong nanghihingi ng tulong.

Ang isip nila eh mababang tao lang ang mga pumipila rito, na pwede nila hamakin. Nakikita ko yung trato nila na "wala naman silang pakealam kasi di ko naman nararanasan yan".

Ang hirap mabuhay sa Pilipinas kahit yung kapwa mo Pilipino eh hinihila ka pababa.

Yung mahirap nagmamakaawa mapagbigayan pero kapag taga-gobyerno dire-diretso lang.