Guys tanong lang, may pag-asa pa kaya umangat Pilipinas?

Kung sino pa nakaupo sa pwesto, sila-sila pa nag-aaway sa pera at kapangyarihan. Hindi na nakuntento at naawa sa sambayanan na ninanakawan nila ng pera. Pinagsikapan, pawis at dugo ang pinuhunan para lang kumita at lumaban sa buhay. Imbes na gobyerno ang tumulong, sila pa ang lalong nagpapahirap. Hindi ko na alam kung may magandang kinabukasan at pag-asa pa bang naghihintay para sa mga magiging anak ko sa future.