first time ko maka encounter ng modus na ganito sa cabuyao, laguna.

Awareness lang for everyone. Hinahatid ko yung girlfriend ko kanina around 10 PM sa Cabuyao, tapos may isang manang na sumakay, mukhang galing siya ng Mamatid. Bago kami makapasok sa bayan ng Cabuyao, nagtanong siya habang umiiyak sa aming mga pasahero (konti na lang kami noon). Sabi niya, paano daw siya makakauwi ng Meycauayan, Bulacan. Sinabi ko na pwede siyang sumakay pa-Complex at doon magtanong kung paano makakauwi ng Meycauayan, Bulacan. Nag-alok ako na tutulungan siyang sumakay ng jeepney, pero sabi niya, "Hindi ko po alam yun."

Tapos, tinanong siya ng isang pasahero, "Taga saan po ba kayo, Nay?" Sabi niya, taga-Cebu daw siya at uuwi lang ng Bulacan dahil andoon daw ang mga pinsan niya. Marami na siyang sinabi sa amin, tulad ng "Bobo po kasi ako eh, hindi ko po alam kung paano umuwi," at "Wala po akong pera pamasahe." Sobrang galing ng acting niya, kasi may pa-luha effect pa. Naniwala na nga ako e.

Bago siya bumaba sa bayan ng Cabuyao, sinabi niya na kailangan niya ng pera. Bigla akong napaisip na baka modus ito, pero nag-insist pa rin akong tulungan siya. Bumaba na kami ng girlfriend ko sa bayan. At first, hindi ko alam kung ano ang gagawin kasi first time kong maka-encounter ng ganito. Sinundan niya kami ng ilang steps, tapos may nakita akong checkpoint ng pulis. Napaisip ako na baka mas kayang i-handle ito ng mga authority. Kaya sabi ko sa kanya, "Nay, may pulis. Hingi po tayo ng tulong doon."

Sabi niya, "Mahiyain po ako, eh. Huwag na lang." Ilang beses kong inulit na sasamahan ko siya sa pulis, pero paulit-ulit din siyang tumanggi. Sa huli, umalis na kami ng girlfriend ko at hindi na niya kami sinundan.

Hindi ko alam kung modus ba ito o hindi, pero ang gut feeling ko, parang modus ito. Naging sketchy kasi ang body language niya nung sinabi kong hihingi kami ng tulong sa pulis. Bukod pa rito, hindi rin siya mukhang naliligaw—maayos naman ang suot niya at mukhang bagong ligo pa. Pero kahit ganoon, nung una ko siyang nakita sa jeep, hindi pa rin nagbago ang desisyon kong tumulong sa kapwa.

May mga na-encounter na rin ba kayong ganito? Share niyo naman.

Edit: 3am ko na kasi ito naisulat at copy paste lang to from messenger dahil dun ko to sinulat sa family gc namin para sa awareness. kaya walang paragraphs and hindi maayos tignan. ngayon inayos ko na.