Paano niyo bine-break o pine-prevent ang generational trauma ng pamilya niyo?

Naniniwala ba kayo sa generational trauma? Ako oo.

Story time muna hehe

Yung lola ko, which is my mother and aunts' mother of course, ay napaka...toxic.

Gahaman sa pera, mapang-abuso sa mga anak niya kahit ngayon (yung tipong sinasabihan pa rin na "masamang anak" ang mama ko), laging nakikipag-away sa mga kapitbahay, gusto laging may kakampi, magiging mabait lang kung may "isusukli" ka sa kaniya, may malaking victim mentality at generally ay hateful na tao.

Yung mga traits na yun nag reflect sa mga anak niya (mga tita ko): yung panganay naging gahaman din sa pera at emotionally unstable, mama ko emotionally unstable din at controlling especially sa akin at yung bunso maagang nagbuntis at nakapangasawa ng hindi mabuting lalaki katulad din ng lola ko.

Nakakatakot isipin na malaki ang posibilidad na maging ganun din kaming magpipinsan at magakakapatid. Ako mismo, ramdam ko na yung pagiging hateful sa mga tao at nagkakaroon ako ng depression that lasts for a few months since I turned 20.

Wala pa akong anak at trabaho and I don't know if those will contribute sa kung anong klaseng tao ako sa susunod na mga taon.

Pero I try my best to be the better person: I try my best to to talk to my mom and lola in a lighthearted way kahit masakit ang mga sinasabi at ginagawa nila. Yung mga pamangkin ko sa mga pinsan ko lagi kong pinapakitaan ng love at kabaitan.