Dapat bang mag job hop for higher salary kung masaya naman ako sa trabaho ko?
Halos lahat kase ng mga kabarkada ko from college sinasabihan ako na I can do better at sayang daw ako dahil ayaw ko mag job hop.
6 years na ako at 60k ang sweldo. Sila nasa 6 digits na dahil nag job hop. Hindi naman ako naiinggit sa sweldo nila kase ok naman sakin to. Hindi naman ako bread winner. Nabibili ko naman ang mga gusto ko. Hindi toxic sa office namin at kaibigan ko mga katrabaho ko. Masaya ako dito.
Kaya lang bawat magkikita kami lagi nilang sinasabi sakin na sayang nga daw ako, wala daw akong diskarte, tanga daw ako dahil nilelet go ko ang mas malaking sweldo para mag stay sa comfort zone ko.
Should I job hop for higher salary para di ako masayang, kahit masaya naman ako kung nasan ako?