I want to take revenge to my abusive father by exposing their illegal doings
Problem/Goal:
I want to take action sa mga ginagawa ng tatay ko, dahil binubully niya kami ng mother ko.
Context:
My Dad and Mom are already separated for more than a decade, I'm now 21 years old at naghiwalay sila noong 6 years old pa lang ako. My Dad cheated on my Mom, school administrator ang tatay ko sa sarili nilang school at ang nililigawan ng tatay ko ay ang Math teacher ko noon na asawa na niya ngayon. My Mom came from a poor family, struggling to have something on their table but my mom kept pushing her education until naka graduate siya ng college and my Dad did not dahil he doesn't have to, may kaya ang family nila.
Fast forward, nasa custody kami ng mother ko after they broke up. Ang Dad ko at noong Math Teacher ko ay meron ng 2 toddlers. Nagpupunta kami sa Dad ko tuwing weekends for financial support, 1500 lang ang ibinibigay sa amin ng tatay namin weekly, at tatlo kaming magkakapatid na doon. My Mom struggled financially dahil nga bare minimum ang suporta ng tatay ko. She had to get a second job even working as a teacher. She pays the rent, utilities, food, baon, and other expenses namin sa bahay. Hindi narin nag asawa nanay ko nang dahil sa trauma at gusto niya rin na naka focus sa amin.
Heto ang ikinasasama ng loob ko, after my dad cheated on my mom, he spread rumors about her na meron daw siyang kapatid na shoplifter, sugarol daw ang nanay niya, lasinggero ang tatay, at ang mga pamangkin niya daw ay mga adik. Basically, sinira ng tatay ko ang pamilya ng Mom ko. Pinakalat niya rin sa mga mutual friends nila na kaya daw siya may bago nang kinakasama ay dahil sa nag cheat daw ang Mom ko. Minimicro manage niya rin kami, inaalam kung anong ulam namin at kapag tight ang budget namin at nag decide kami na ang ulam namin ay hotdog lang, pupunahin niya ito. Alam niya rin pag may bonus si mama na natatanggap dahil teacher din ang asawa niya.
I want to expose my Dad, meron silang illegal connection ng tubig sa nawasa ng maynilad but Idk where to start, paano mag report? Ano rin ba ang pwede ko gawin to make him stop?
Previous attempts:
Pina barangay ko siya, nag lupon kami pero apat na beses niya akong hindi sinipot hanggang sa ibinigay nalang sa akin ang CFA. Nagpunta ako ng pao reaching for help, I got disappointed, para bang gusto nila naka latag na everything. Hindi raw uusad ang kaso dahil family matters daw pero ako naman ang alam ko kase the law excuses no one, ang bullshit lang.