Katiwala ko hindi ako tinatantanan
Naiirita ako sa katiwala ko kasi d ako tinatantanan. Naiintindihan ko naman na tungkulin niya yon pero naiirita pa rin ako panay punta niya sa bahay namin at nag sumbong pa tlga sa lola ko na nasa province na hindi ako suma samba. Pinapagalitan pa ako sa messenger, hindi ko naman ma block kasi ayoko maging masyadong bastos. Naalala ko pa sabi niya "Dapat nga po ikaw ang role model dahil ikaw ang mas matagal na, si ka ...... bago lang pero masigla sa tungkulin" paki niya ba kung ayaw ko kumuha ng tungkulin HAHAHAHAH buhay ko to at ako mag de desisyon para sa sarili ko.
dati ako maytungkulin at masigla pero na drain din ako dahil sa daming beses kailangan pumunta sa kapilya na para bang wala kang ibang buhay sa labas ng kapilya. Puro panata, aktibidad ng kapisanan, tawag ng pastor sa opisina kahit 9pm na, salaysay, gawa aktibidad, punta ibang lokal dahil may aktibidad, pamimigay polyeto tapos kailangan dumalo pamamahayag palagi kahit wala naman akay.
kaya nung bumaba na ako sa tungkulin ko, hindi na ako kumuha ng tungkulin ulit para malayo na rin ako sa mata ng mga kapatid na naghahanap ng mali sa kapwa kapatid at i chi chismis.
hindi naman ako matitiwalag diba kung madalang lang ako sumamba pero sumasamba naman?