My med school journey "Rant and realization"

Hello, I just want to share my realization sa med school journey ko now, I am a third year medical student and I usually encountered a rude doctor na tipong parang minamaliit ka or ang rude kung mag salita sayo. Back when I was a med school freshie, Ang sama na ng pakiramdam ko pero pinilit ko pa rin makapasok kasi sobrang hirap mag make up ng activities, quizzes etc. after that nag check ako ng temp ko and only to found out na sobrang taas na pala ng fever ko then I approached one of my professor and then sinabi ko na nilalagnat ako and after that pinalabas niya ako ng classroom at sinabi na "Lumayo ka na dito baka maka lanit ka pa" well naintindihan ko naman pero di man lang ako chineck or kahit tanungin if okay ka lang ba or even look me in the eye. There is also one time isinugod ko lola ko sa hospital kasi sobrang taas ng blood pressure na and nahihilo, so nangyare is di ako naka attend ng afternoon class ko and di ako nakapag take ng quiz, gumawa ako ng excuse letter that is addressed to my professor and explain to that person kung anong nangyare and then sabi sakin "hindi pasok sa school rules ang pwede i excuse pag ang lola ang may sakit". Sorry for the sobrang haba na kwento hindi ko lang mailabas to kahit kanino and this is my only way para i out yung nararamdaman ko. I wonder why I encounter a lot of doctors na may superiority complex and tingin nila ay Dios sila. Don't get me wrong hindi ko sila nilalahat pero may ilan din naman na sobrang approachable pero, Please can someone explain bakit ganto ang culture ng mga doctor dito sa Pilipinas, Until now I have a heavy heart sa mga nagiging experience ko and mas nawawalan tuloy ako ng gana dahil sa treatment nila.

Ps: madami din ako naririnig na gantong kwento from my friends na nag wowork and nag aaral in the medical field.