How to Really Move On?

Nung yung close friend ko naka experience ng called off wedding/engagement I cant imagine being on his shoes. Kasi talagang makikita mo na lifeless ung friend mo at walang tumatagos na salita para lang mapagaan loob niya. And kako buti na lang e di ako straight at safe ako from that kind of heartbreak.

Kaso I had a relationship from 2022 na its almost perfect for me. We agree on almost all things. Naging legal kami im both of our families. Parang anak na rin ako ng mama niya and same thing to him sa family ko. Sa bdays ng mga kapamilya kasama na kami.

We started to think about our future. Bibili kami sasakyan. We will push sa condo niya and un na magiging bahay namin. Marami kami plans to travel abroad. And sure ako naman na kami na talaga gang pagtanda. I never imagined na may ganto sa same sex.

Then shit happened and para akong namatayan. Naging depressed. Naging anxious. Nagka panic attacks ako pag pauwi ako from work. Iniisip ko bat pa ako uuwi kung wala na sakin tatawag (nagvivideocall kami everyday kasi currently ofw ako nagiipon sana para sa future namin). 2 buwan akong parang zombie lang na,, nagcocontinue mabuhay pero walang direction.

3 months na rin, wala naman na ung unbearable pain. Naka move on na ako sa taong yun. Di lang ako maka move on doon sa relationship na nasayang. Ang hirap maghanap ng ganon na connection. Ang hirap maginvest nanaman ng time and effort sa kung sino man na darating for me. And mahirap din magplano ng future na mag-isa. Iba pa rin na ung nagttrabaho ka at nagpupursigi ng mabuti para sa mahal mo. para sa future ng nakikita mong makakasama mo for life.

Sana matuto na ulit ako maging masaya kahit mag-isa.