People who took Nursing as their 2nd Degree, nakapunta pa rin po ba kayo sa US?

Hello, I’m currently a BSIT student and I want to shift to Nursing for the job security. Ilan beses ko na pinipilit parents ko but they don’t want me to shift because I might regret taking the course.

They said na tapusin ko muna ang BSIT then pag-aaralin pa rin nila ako ng Nursing after as a 2nd Degree.

Dream ko talaga makapunta at makatira sa US kaya gusto ko sana mag Nursing para may higher chance of landing there.

Ngayon tanong ko lang po sa mga nagtake ng Nursing as their 2nd Degree and sa mga 25 years old pataas na. Nakakuha pa rin po ba kayo ng sponsorships pagkatapos niyo po makapasa ng NCLEX? Hadlang po ba ang age sa pagpunta ng US? Ilan years ang experience niyo po bago po kayo nakapunta ng US? Maraming salamat po.